holdaper sa pampublikong sasakyan
#1 March 30, 12:56 am
holdaper sa pampublikong sasakyan

Sa kabila po ng pinaigting na kampanya ng ating kapulisan laban sa pagdadala ng armas lalo na ngayong panahon ng eleksyon, lalo din namang dumadami ang insedente ng holdapan. Ang nakakainis, ginagawa na nila ito sa mga pampublikong sasakyan sa pagitan ng 730pm to 800pm. Oras na di natin inaakala.

Nananawagan po ako sa mga kinauukulan na dagdagan pa ang police visibility lalo na ngayon na tila napakadalas ang holdapan ng cellphone. Dati hinahablot ito, ngayong natuto na tayong itago ito, hinuholdap naman.

Ang lumalabas mas matapang ang mga halang ang kaluluwa kapag may gun ban?! Kung di nyo kayang ipatupad ang batas ( na tila yata yun ang lumalabas) wag kayong mahiyang magpatulong sa mga mamamayan. Kapag dumadami ang mga kasong di malutas-lutas dumadami din po ang mga vigilante na mas mahusay pa (kung minsan) na lumutas ng kaso.

Nagtatanong lang po!

All times are GMT +8. The time now is 9:55 am.