Dahil may isang Batangueno na naligaw sa aking pahina at napagalaman ko na may website pala ang mga katulad namin, abah sobrang saya ko. At naisipan ko na i post ulit ang entry na ito. Para sa mga Batangueno, KUDOS! Ala eh, daan kayo lagi dine ha! mag comment din kayo sa blog ko! Aantayin ko kayo!
Babala. Isang kwento na tanging tunay na Batangueno laang ang makakaintindi.
Dine sa Tuklong ay may puno ng kape na arogang-aroga pa ng Mamay. Sadyang pinapugadan sa hantik na guyam at pinabantayan sa bilot. Naulutang ngatain ng Mamay ang bubot na parang sinturis. Pasal na pasal. Nang bigla na lang siyang napaumis, humirindat at tuluyan ng nabang-aw. Bigla na lang nagpatikar, lumiban ng karsada kahit umaambon. Naglagi sa gabokan kaya puro libag, tubal na tubal, talipa ang sipit at gura.
Napadpad ang Mamay sa masukal na balinghuyan at doon naulutang gamitin ang kawot para garutihin ang mga bangkalang. Pero liyo at parang barik na barik pa rin ang Mamay kaya naghamon pa ng panumbi. Wala namang kumana kaya pagerper na lang ang napagdiskitahan. Pagkatapos ng barokbokan, lungkuyin at hapong-hapo ang Mamay. Naging matalute ang usapan sa bayaran dahil mulay lang ang gustong ibayad ng Mamay.
Nagkaribok na, nagwasang ang pagerper at tinangkab ang Mamay. Nagligalig ang Mamay dahil sa marami daw kato, amoy hawot at makati pa sa iladong tulingan. Dapat kitse lang daw ang bayad. Sa pagkabanas ay napaingles ang Mamay, "I'm entitled for senior citizen discount". Wala kang galang sa matanda, dapat kang ipabarangay. Siguro hindi ka taga Batangas ano? Naglabas na ng balisong ang Mamay.
Oops... awat na.Sana ay maintindihan ninyo ang 52 Batangueno words at nakapulot kayo ng gintong aral. Purong Batangueno di ga? Ni hindi ko magagamit ang mga salitang ito, pag kausap laang na Batangueno. Ay siya, have a nice day! Pag ako ga!!!